Todays News..Priscilla Meirelles, unang model ng Playboy Magazine RP edition


Ang beauty queen na si Priscilla Meirelles ang kauna-unahang modelo ng unang edition ng Playboy Magazine dito sa Pilipinas.

Bagamat sinasabing tamer kumpara sa ibang edisyon ng Playboy na ibinebenta sa ibang bansa, umani naman ng protesta ang pagpapalabas nito dahil konserbatibong pananaw ng bansa na isang predominantly Christian nation.

Si Meirelles ay matatandaang British national at tinanghal na Miss Earth ilang taon na ang nakalilipas.

Ex-boyfriend nito ang TV host na si Marc Nelson at kasalukuyan namang karelasyon ng aktor na si John Estrada.

Una rito ay matatandaang ipinangako ng editorial board ng Playboy na iiwasan nito ang full-frontal nudity ng magazine na ipapalabas sa bansa. Kanina ay inilunsad ang kauna-unahang isyu ng Playboy magazine.

Samantala, sinabi naman ni Monsignor Pedro Quitorio, tagapagsalita ng influential Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) na marami ng hinaharap na problema ang bansa mula sa kahirapan hanggang sa mga eskandalo kaya't hindi na nito makakaya pa ang aniya'y panibagong problema sa moralidad.

"That (Playboy) would destroy our moral stature," wika ni Quitorio na idinagdag pang kailangang imbestigahan ng pamahalaan ang franchise ng Playboy Magazine.


1 comment:

Anonymous said...

Genial dispatch and this enter helped me alot in my college assignement. Gratefulness you seeking your information.