Todays News..Sen. Escudero, kinumpirmang isa siya sa mga manunulat sa Playboy magazine..

Sen. Escudero, kinumpirmang isa siya sa mga manunulat sa Playboy magazine..
Kinumpirma ni Senador Francis Escudero na isa siya mga manunulat sa Playboy Magazine Philippine Edition, na puntirya ngayon ng batikos ng Catholic Bishops Conference o CBCP.
Ayon kay Senador Escudero na may artikulo siyang sinulat sa naturang magazine, subalit tumanggi naman itong sabihin kung ano ang nilalaman ng kanyang isinulat na artikulo.
Pabiro pang sinabi ng senador na wala naman siyang center fold picture sa naturang magazine at hindi naman aniya ito maaring ilathala sa Playboy magazine.
Idinagdag pa nito na hindi naman siya pinag hubad sa naturang magazine at sa halip pinagdidiinan nito na isang artikulo lamang ang kanyang isinulat sa Playboy Magazine Philippine Edition.


source: bomborayo.com

No comments: